^

Metro

Anti-Islam film, pinalabas sa UP

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bagamat nag ban na ang MTRCB sa pagpapalabas ng anti-Islam film sa Pilipinas, itinuloy ni UP law professor Atty. Harry Roque ang paglalabas ng kontrobersyal na pelikulang “Innocence of Muslims” sa kanilang screening kahapon.

Sinabi ni Atty. Roque, may kalayaan siyang gawin ang pagpapalabas ng naturang pelikula sa kanyang mga estudyante dahil may academic freedom umano sila.

Binigyang diin ni Roque na dapat din anyang igalang ang freedom of expression na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas.

Sinabi nito na mahalagang manindigan ang bawat indi­biduwal sa mga ganitong pagkakataon.

Si Roque ay director ng Institute of International Legal Studies­ sa UP Law Center sa Diliman, Quezon City.

Una rito, ipinagbawal ni UP College of Law dean Atty. Danilo Concepcion ang pagpapalabas ng naturang pelikula pero na­ituloy din ang viewing nito sa naturang paaralan.

COLLEGE OF LAW

DANILO CONCEPCION

HARRY ROQUE

INNOCENCE OF MUSLIMS

INSTITUTE OF INTERNATIONAL LEGAL STUDIES

LAW CENTER

QUEZON CITY

SALIGANG BATAS

SI ROQUE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with