'Tirador' ng computer shops, arestado

 MANILA, Philippines - Natimbog na ng awtoridad ang isang magnanakaw na ang target ay mag-ikot sa mga computer rental shops na nakita rin ang mukha sa kuha ng CCTV matapos na ituro ng ilang residente na nakakilala sa kanya sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng  QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, para makasiguro, bitbit pa ng kanyang tauhan ang still photo ng video footage ng mukha ng suspect na si Ronald Dionido, 37, nang kanila itong arestuhin para hindi sila magkamali. Naaresto ito sa may Aguho St., Brgy. Claro sa Project 3, ganap na alas-8 ng gabi.

Nanawagan ang pulisya sa mga naging biktima ng suspect na magtungo sa kanilang himpilan at kilalanin ito para sa pagsa­sampa ng kasong theft laban sa kanya.

Show comments