Bebot lasog sa sagasa ng 4 na truck

MANILA, Philippines -  Lasug-lasog ang katawan ng isang 21-anyos na babaeng sidecar driver nang mahagip ng isang rumaragasang truck at masundan pa ng pagkasagasa naman ng tatlo pang truck na pawang hindi naplakahan sa S. Osmeña Highway, San Andres, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO1 Marcos Saunar ng Manila Traffic Bureau ang biktimang si Amalene de la Cruz, sidecar driver at paminsan-minsan umanong nanga­ngalakal ng mga bote at iba pang basurang pakikinabangan. Dakong alas-12:00 ng madaling-araw kahapon nang maganap ang insi­dente nang mahagip ang biktima ng unang truck na may itim na trapal na nakatakip sa likurang bahagi kaya hindi nakita ang plaka nito.

Hindi rin umano marahil napansin ng mga kaskaserong truck driver ng magkakasunod na tatlo pang truck kaya nasagasaan ang biktima na dead-on-the-spot.

Show comments