Manila, Philippines - Pinaniniwalaang may dalawang araw nang patay bago itinapon ang bangkay ng kelot na nakasilid sa sako, sa tapat ng kilalang supermarket, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ng kaniyang mga magulang ang biktimang si Erbin Liwanag Y Jalinao, alyas “Bulol”, 20, walang trabaho at residente ng no. 2057 Dagupan Ext. Tondo, na nakalagak na sa Cruz Funeral Morgue.
Sa ulat ni PO3 Charles John Duran, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay sa harapan ng Puregold Supermarket, sa panulukan ng Tayuman at Juan Luna Sts., sa Tondo.
Isang tawag ang natanggap ng MPD-Station 7, hinggil sa umano’y natagpuang bangkay ng lalaki na nakasilid sa isang sako sa nasabing lugar.
Nakitaan ng sugat sa leeg ang biktima, na bakas ng pagkabigti at may mga bahid ng dugo na umagos mula sa ilong.