^

Metro

16 drug mules na ang naaresto sa NAIA-PDEA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May kabuuang 16 na drug mules ang na­aresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino­ International Airport simula noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gu­tierrez Jr., ang naturang bilang ay bunsod ng kakayanan ng binuong Ninoy Aquino Inter­national Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na pangunahing nagbabantay sa nasa­bing paliparan laban sa mga illegal drug trade.

Sabi ni Gutierrez, na sa 16 na drug mules na naaresto sa NAIA, may kabuuang 37 kilos ng shabu, iba pang illegal drugs; at drug para­phernalia na ginawa sa 13 interdiction operations ang nasamsam.

Sabi ni Gutierrez, dahil dito naging positibo ang resulta ng binuong grupo sa pagbabantay sa NAIA na nagsisilbi lamang entry at exit points para sa drug trafficking, tulad na lamang ng pagkakadakip sa dalawang drug couriers na Nepalese at babaeng Vietna­mese na nagtangkang mag-smuggle ng shabu sa bansa noong August 10, at August 14 sa NAIA terminal 2.

Giit ni Gutierrez, dahil sa pagtutulungan ng mga nasabing mga ahensya na may kanya-kanyang kakayahan sa pagtukoy at paghahanap ng iligal na droga ay mabilis na natutugunan ang anumang pagtatangka ng mga dayuhang makapagpasok ng iligal na droga sa bansa.

AYON

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG INTERDICTION TASK GROUP

GIIT

INTERNATIONAL AIRPORT

NINOY AQUINO

NINOY AQUINO INTER

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with