Binata binoga sa ulo, todas

Manila, Philippines -  Hindi na nakarating sa kanyang bahay ang isang binata makaraang barilin sa ulo at mapatay habang naglalakad ng isang lasing sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon­. Si Brian Apalisok, 29, ay hindi na umabot ng buhay sa ospital bunga ng tama ng bala sa ulo.

Ayon kay PO2 Alvin Quisimbing, ang suspect ay kinilalang si Brian Yulaga, ng Katangian St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Alley 6 ganap na alas-6 ng gabi. Naglalakad si Apalisok sa lugar galing sa trabaho bilang house painter at papauwi na sa kanyang bahay nang madaanan nito ang grupo ng suspect na nag-iinuman.

Sabi ni Aljon Lozano, nakita niya ang suspect na tumayo sa inuman saka nagbunot ng baril na kalibre 38 at biglang pina­putukan ng malapitan ang biktima at nasapol sa ulo. Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspect, habang ang biktima naman ay isinugod sa East Avenue Me­dical Cen­ter, subalit binawian din ng buhay.

Show comments