MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong administratibo ang dalawangpung estudyante ng San Beda College.
Ito ang inihayag kahapon ni Liezel Talleon, dean ng Student Discipline Office ng San Beda (Mendiola) matapos ibunyag na nasa 20 estudyante nila ang may inilahad na undertaking noong enrollment.
Batay sa nilagdaang undertaking ng 20 estudyante ay sinasabi nilang miyembro sila ng Lex Leonum Fraternitas
Sa darating na Lunes ay padadalhan na nila ng notice ang mga nasabing estudyante upang pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat na mapatawan ng disciplinary action.
Aniya, paglabag sa nilagdaang undertaking ng mga estudyante ang pagsali sa mga organisasyon na gumagamit ng dahas.
Ipinaliwanag ni Talleon na sakaling mapatunayan nila na may paglabag nga ang mga naturang estudyante, posibleng mapatalsik ang mga ito sa nasabing kolehiyo.