Driver utas sa tandem

Manila, Philippines -  Isang 25-anyos na tricycle driver ang nasawi makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa Quezon City kama­kalawa ng gabi.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktima na kinilalang si Lancelot Aquino, ng IBP Road, Batasan Hills, Quezon City bunga ng tinamong anim na tama ng bala mula sa kalibre .45 baril.

Hindi na nakababa pa sa kanyang minamanehong tri­cycle (UV-5176) ang biktima.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente pasado alas-11:00 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Kagawad St., Ba­tasan Hills.

Ayon sa tindera na si Joan Ramos, nanonood siya ng TV nang makarinig umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang silipin niya sa bintana ay nakita niya umano ang biktima na binabaril ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo bago mabilis na humarurot patakas.

Show comments