^

Metro

Nawawalang beybi sa sunog, natagpuan

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines - Kumpirmadong nasawi ang 10-buwang gulang na lalaking sanggol na una nang naiulat na nawawala kasabay sa pagsiklab ng sunog sa isang residential area, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni SFO2 Joseph Jalique, ng Arson Investigation Division ng Manila Fire Bureau, wala ang ulo nang matagpuan ang naabong ka­tawan ng biktimang si Be­nedict Reniera Boholst, ng 320-A Sta. Teresita St., Sampaloc, malapit sa panulukan ng G. Tuazon, dakong alas-10:00 ng umaga, kahapon.

Sa middle left part ng ground floor nakita ang bangkay ni Benedict na sinasa­bing wala na ang bahagi ng ulo dahil sa posibilidad na tinamaan umano ng pala ng mga nag­hahanap sa kanya.

Sinabi ni ex-officer Ricky Guinto, ng Brgy. 409 Zone 42, ang nangangalakal pa ang nakapansin sa labi ng sanggol nang naghahanap ng mapapakinabangan.

Ani pa ni Jalique, patuloy pang inaalam kung ang nag-over heat na electric fan ang sanhi ng sunog na nagmula sa dalawang palapag na tahanan ng pamilya Reniera.

“Yung nanay ng beybi umalis para sunduin sa school yung isa niyang anak at ibinilin daw sa kapatid na tomboy ang sanggol na natutulog sa duyan,” ani Jalique

Nabatid na isang angkan ng mga Reniera ang naka­tira sa two-storey na pinagmulan ng sunog.

Samantala, namatay sa Ospital ng Sampaloc, ang 84-anyos na si Lola Emiliana San Jose dahil sa 3rd degree burns na natamo sa sunog.

Samantala, binisita ni Ma­nila Mayor Alfredo S. Lim,   Councilor Bimbo Quintos at ni Social Welfare chief Jay dela Fuente, ang mahigit 76 na pamilyang nasunugan para bigyan ng relief goods at ka­­ un­ting cash.

A STA

ARSON INVESTIGATION DIVISION

COUNCILOR BIMBO QUINTOS

JALIQUE

JOSEPH JALIQUE

LOLA EMILIANA SAN JOSE

MANILA FIRE BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with