^

Metro

Janitor huli sa pagbubukas ng mga package sa Post Office

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabulgar ang matagal nang ka­tiwali­ang nagaganap sa Pasay City Post Office sa operasyon ng isang “Buriki gang” makaraang mahuli sa akto ang isang janitor na nagbubukas ng isang “package” sa loob ng naturang tanggapan.

Inaresto kahapon si Rolando Magundayao, 28, residente ng Binondo, Maynila makaraang makita sa “closed circuit television (CCTV) camera footage” na palihim na inihalo sa dala niyang mga basura ang isang pakete at saka binuksan. Naglalaman ang naturang pakete ng mga imported na tsokolate, tatlong tig-10,000 yen at isang 1,000 yen.

Inaresto ito ng mga security personnel ng Post Office sa pangunguna ni Postal Inspector Albert Dimabuyo habang nasa aktong isinisilid sa isang sako ang kanyang mga nakulimbat.

Ayon sa pulisya, marami na silang natatanggap na reklamo sa nawa­walang mga padala sa Pasay Post Office na kanilang inalerto. Dahil dito, palihim na naglagay ng mga CCTV cameras ang security personnel ng Post Office kung saan naaktuhan si Magundayao sa ilegal na gawain.

Sa inisyal na pagtatanong, inamin ni Magundayao ang iligal na gawain kung saan isang janitor at dalawang kaswal na empleyado ang kasabwat niya rito. May apat na taon nang naninilbihan bilang janitor ang suspek ngunit nitong buwan ng Abril lamang umano siya sumali sa ilegal na aktibidades.

Nakatakda nang sampahan ng qua­lified theft ang suspek sa tang­gapan ng Pasay City Prosecutor’s Office.

ABRIL

INARESTO

ISANG

MAGUNDAYAO

PASAY CITY POST OFFICE

PASAY CITY PROSECUTOR

PASAY POST OFFICE

POST OFFICE

POSTAL INSPECTOR ALBERT DIMABUYO

ROLANDO MAGUNDAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with