2 bata inihawla sa kulungan ng aso

MANILA, Philippines - Dalawang batang babae ang inilagay sa kulungan ng aso matapos naingayan ang 25-anyos na Tsinay sa Dagat-dagatan, Caloocan City kamakalawa.

Lumalabas sa report ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang ikulong ng suspek na si Lance Tan ang dalawang batang babae na may edad na 2 at 4-anyos  dahil sa ingay ng mga ito.

Nang malaman ng mga magulang ng mga bata ang pangyayari ay pinuntuhan ang mga anak, subalit la­king gulat nang makitang nasa kulungan ng aso ng suspek.

Agad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng mga bata at ipinadakip ang suspek.  

Show comments