33 kahong kontrabando nasabat

MANILA, Philippines - Kinumpiska ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga coral at iba’t-ibang klase ng isdang pang aquarium na nakaimbak sa bodega sa Ninoy Aquino International Airport matapos itong ilagay sa 33 kahon at ibibiyahe papuntang Hongkong.

Napag-alaman may 1,500 pirasong iba’t-ibang uri ng isdang pang aquarium at mga coral ang laman ng kahon nang masilip ito ng mga tauhan ng BFAR sa Miascor cargo warehouse.

Hindi muna ibinun­yag ng mga awtoridad ang pangalan ng may-ari ng mga epektos habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa.

Ayon kay BFAR Di­­rec­­tor Asis Perez, naha­rang ng BFAR Qua­­rantine Services sa car­go terminal ng Mias­cor ang kontrabando na naglalaman ng 1,500 buhay na isdang pang aquarium na nakasilid sa plastic bag at 149 brain corals.

Napag-alamang nakatakda sanang dalhin sa Hong Kong ang kontrabando habang isinasalansan ang naturang kargamento sa departure area ng NAIA.

Hindi pa nabatid kung sino ang tunay na may-ari ng kontrabando habang patuloy ang imbestigayon ng BoC.

Show comments