Barbero todas sa adik

MANILA, Philippines - Napatay ang 28-anyos na barbero matapos itong saksakin ng di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa Quezon City, kamakalawa. Napuruhan sa sikmura ang biktimang si Godgen Pesimo ng #29 Nawasa Road, Barangay Batasan Hills sa nasabing lungsod. Ayon kay PO1 Rhic Roldan Pitong, papauwi na ang biktima nang harangin at saksakin sa panulukan ng Kakampi Street at San Mateo Road sa nabanggit na barangay.

Show comments