Manila, Philippines - Kalaboso ang presidente ng nagsaradong banko matapos arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa kasong estafa na isinampa ng Banko Sentral ng Pilipinas sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Patricio Notada, presidente ng Homeowners Savings and Loan Bank na dating Homeowners Savings and Loan Association, Inc. (HOSLAI).
Si Notada ay nahaharap sa tatlong counts ng estafa na isinampa ng BSP kaugnay sa fictitious loan accounts ng mga indibidwal na sina Nancy Mainicsic, Erlinda Tablang at si Bayani Batac.
Bukod pa rito, may kapareho ring kaso ang iniharap laban kay Notada na 2 counts of estafa at 2 counts ng paglabag sa Section 21 ng Republic Act 7906 (Thrift Banks Act of 1995) dahil naman sa overvaluing ng mga kolateral ng loan accounts ng isang Arturo Castillo at Minardo Salvosa kung saan rediscounting ng mga nasabing loan ng hindi alam ng BSP at naagrabyado rin ang BSP.
Umabot sa P17,440 milyon ang nai-release ng BSP para sa HOSLAI, kapalit naman ng promissory note ng HOSLAI sa BSP at Deed of Assignment, kolateral na land titles mula sa borrowers kaya ito nakasuhan.
Nabatid na noong Marso nang dumulog ang BSP sa NBI-Task Force on Bank Fraud Investigation dahil hindi madakip si Notada sa kabila ng pitong warrant of arrest na inisyu ng korte.
Upang malambat, ipinatawag ng korte ang akusado, dumalo ito sa hearing kung saan nadakma naman ng NBI.