Tinedyer napagtripan sa inuman, utas

Manila, Philippines -  Saksak sa kaliwang bahagi ng leeg ang ikinasawi ng 18-anyos na lalaki matapos mapagtripan ng isang tambay sa pakikipag-inuman sa Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Jose Reyes Memorial  Medical Center ang biktimang si John Bonifacio  ng C-3 5D Nu­mencia­ St. sa Binondo, Manila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Christopher Demetrio,  32,  may-asawa, ng #639-B Gerona St., Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Virgo Villa­real ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng Glo and Eme Store sa Pritil Market sa Herbosa Street.

Bago maganap ang pa­mamaslang, kasama ng biktima ang dalawa nitong kaibigan mula sa inuman.

Lumilitaw na napa­daan si Demetrio sa pinag-iinuman ng tatlo kung saan inakalang iniinsulto siya.

Nauwi sa krimen ang mainitang komprontasyon nina Bonifacio at Demetrio kung saan tinangkang awatin­ ni  Barangay Kagawad Alexander Sandoval ang dalawa.

Mismong si Kagawad Sandoval ang nagdala sa nasabing ospital subalit bandang alas-12:15 ng madaling-araw nang bu­migay na ang biktima.

Show comments