2 'tulak' arestado

MANILA, Philippines - Arestado ang ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasig City Police kung saan narekober mula sa kanila ang may 1.5 kilo ng droga sa Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Sr. Supt. An­tonio Gumiran, Eastern Police District (EPD) District Director For Operations ang mga nadakip na suspek na sina Theng Baguindang Muza, 32; at Nasser Guiabar Piang, 38, habang sakay ng isang To­yota Revo (XJK-864) kung saan nakalagay ang hini­hinalang ilegal­ na droga sa mga plastic.

Base sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-10:30 ng umaga nang isagawa ang buy-bust operation laban sa dalawa sa gate ng Monaco Subdivision sa F. Manalo St., Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.

Nakakulong ngayon sa Pasig City detention cell ang dalawa at nahaharap sa kasong illegal possession of drugs.

Show comments