7 'tirador' ng motorsiklo, timbog
MANILA, Philippines - Dahil sa tip na may magbebentang nakaw ng motorsiklo ang ugat para maaresto ng mga awtoridad ang pitong hinihinalang sangkot sa pagkarnap ng motorsiklo sa magkakasunod na operasyon na ginawa ng District-Anti carnapping unit ng Quezon City Police, iniulat kahapon. Ayon kay Quezon City Police District director Chief Supt. Mario O. dela Vega, nakilala ang mga suspect na sina Rommel Hisula, 25; Je-ar Satam, 23; Glenn Soria, 26; Ar-Jay Arabis, 21; Marlon Trangia at John Bryan Galang.
Sinabi ni Dela Vega, ang mga suspect ay naaresto bunsod ng impormasyong ipinabatid sa kanila ng isang impormante hingil sa pagbebenta ng nakaw na Yamaha Mio Soul motorcycle (6520-TD) sa kahabaan ng Roosevelt Avenue, malapit sa Muñoz market, ganap na alas-2 ng hapon. Agad na nagtungo ang tropa ng DACU sa may lugar kung saan naispatan nila ang isang motorsiklo sakay ang isang lalaki. Nakita din ng mga operatiba ang dalawang kalalakihan sakay ng isang Kymco motorcycle (IB-8634).
Nang lapitan ng mga operatiba ang mga ito, agad silang nagpulasan papalayo, pero mabilis ding naaresto at nakilalang sina Satam, na may dala ng Yamaha; Ortaliza at Hisula na may dala naman ng Kymco. Base sa ulat, ang Yamaha motorcycle ay tinangay noong gabi ng May 25 sa Antipolo City at pag-aari ito ng isang Emiliano Baclig. Sa interogasyon, itinuga rin ng tatlo ang iba pa nilang kasamahan. Kasong paglabag sa Anti-Fencing Law at ang Anti-Carnapping Law ang sinampa laban kina Satam, Ortaliza, Hisula, Soria at Arabis. Napatunayan ng fiscal na may probable cause para sila isakdal.
- Latest
- Trending