PNP bantay sarado sa Independence Day

MANILA, Philippines - Bantay sarado ngayon ang Philippine National Po­­lice (PNP) sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng se­lebrasyon kaugnay ng ika-114 anibersaryo ng dekla­rasyon ng Araw ng Kasarinlan ngayon (Hunyo 12). Ayon kay PNP Chief P/Director General Nica­nor Bartolome, nagbigay na siya ng kautusan sa lahat ng mga unit ng pulisya upang mahigpit na bantayan at magtalaga ng civil disturbance management team para sa selebrasyon ng Indepen­dence day. Nabatid na may sapat na bilang ng mga pulis ang ipakakalat sa mga lugar na pagdarausan ng selebrasyon upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan.  

Show comments