Manila, Philippines - Isang 6-na buwang fetus na lalaki ang natagpuang itinapon sa kalye ng Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Batay sa ulat ng pulisya, isang Dennis Ganete, residente ng nasabing lugar ang nakatagpo sa fetus matapos pa nga itong halos matisod sa nakakalat na tuwalyang kulay puti dakong alas-3:30 ng hapon.
Nang buklatin ang tuwalya ay nakitang nakapalaman ang nasabing fetus kaya agad niya itong inireport sa awtoridad.