Indonesian drug courier huli sa NAIA

Manila, Philippines -  Isang Indonesian drug courier­ ang nasamsaman ng halos apat na kilong shabu na may street value na P20 million halaga matapos itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ga­ling Hong Kong, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang dayuhan na si Francesca Jovian, 58, may passport number A0461897 sakay ito ng eroplanong Cebu Pacific Airlines flight 5J 111 mula sa Hong Kong.

Nadiskubre sa suspek ang drogang dala nito matapos kal­kalin ni Jemyr Santos, customs examiner ang bitbit nitong kulay pink na maleta.

Ang suspek ay itinurn-over sa PDEA para sampa­han ng ka­ukulang kaso sa Pasay City Pro­secutor’s Office.

Show comments