Libreng serbisyo at regalo ng LRTA sa mga inang pasahero

MANILA, Philippines - Pararangalan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga pasahero nilang ina sa pag-aalay ng sari-saring serbisyo kasabay ng sele­brasyon ng “Mother’s Day”.

Sinabi ni Evelyn Paragas, public relation manager ng LRTA, na bibigyan nila ng lib­reng masahe, gupit ng buhok, manicure at libreng blood pressure at blood sugar test ang mga inang pasahero sa Linggo sa Central Station sa Line 1 at sa Cubao Station sa Line 2.

Ang masusuwerteng unang 200 ina ay makakatanggap din ng libreng bulaklak buhat sa pamunuan ng LRTA habang mamimili rin ng ilang ina na haharanahin sa loob ng kanilang tren at tatanggap din ng bulaklak at regalo habang bumibiyahe.

Ilan pang mga espesyal na regalo ang ibibigay ng LRTA sa kanilang mga pasaherong ina bilang pasa­salamat sa patuloy na pagtangkilik sa train system.

Show comments