Mister nagselos, nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding selos sa kapitbahay na lalaki ang isa sa motibo kaya nagbigti ang 42-anyos na mister sa loob ng kanilang tahanan sa Malate,  Maynila kahapon ng hapon. Kinilala ni PO1 Francisco Mendoza ng Manila Police District-Homi­cide Section ang nag-suicide na si Jose Ofelena, pedi­cab driver, ng #1927 Campillo St., Malate. Base sa police report, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa kanyang 15-anyos na anak na lalaki. Bandang ala-una ng hapon nang matagpuang nakabitin ang biktima kung saan bago mag-suicide nito ay sinasabing nakipag-away pa sa kanyang misis.  

Show comments