Miyembro ng Commando Gang sinalvage

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Commando Gang na sinasabing notoryus na holdaper  ang natagpuang patay na nakasilid sa sako bago inabandona sa bahagi ng Road 10, Vitas Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Sa paglalarawan ni  PO3 Bernardo Cayabyab, ang biktma ay  tinatayang nasa edad 40-45, may  taas na 5’3 talampakan, naka-shorts na abuhin, naka t-shirt na puti, may mga tattoo sa katawan tulad ng Ana 04, Commando, Mary  el Jane at Dat at  Demon. Nabatid na nakagapos ang mga paa at kamay kung saan may palatandaang binigti at nilagyan din ng tape ang mukha habang nakasulat naman sa papel ang katagang “holdaper ako.” Natagpuan ng fish dealer na lulan ng traysikel ang bangkay ng biktima na nakasako.  

Show comments