Bangkay sinilid sa kahon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng basurero na nakasilid sa kahon na pinag­lagyan ng personal refrigerator at iniwan sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila  kahapon ng madaling-araw.

Pinaniniwalaang bik­­tima ng summary execution ang lalaking inilarawan ni SPO4 Virgo Villareal ng Manila Police District-Homicide Section na nasa edad 35-40 may taas na 5’, maikli ang buhok, nakasuot ng kulay asul na shorts at may tatlong saksak ng icepick sa dibdib.

Ani Villareal, naba­balutan ng packaging tape ang mukha at kamay ng biktima.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa safekeeping.

Show comments