Onsehan sa droga, kelot ginilitan

MANILA, Philippines - Sinikap ng isang lalaki na mabuhay matapos na resbakan ng kapatid na kanyang nakaaway dahil sa droga kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Bagama’t naisugod pa sa Tondo General Hospital, binawian din ng buhay si Jaime Hernandez,46, ng no.773 Kagandahan St. Tondo, Maynila. Nagtamo ito ng mga saksak sa katawan at laslas sa leeg.

Nakilala naman ang suspect sa alyas “Bino”, na umano’y kapatid ng isang la­laking nakaaway ng biktima dahil sa “illegal na droga”.

Base sa impormasyon, tinaga ng biktima ang kapatid ng suspect matapos na mag-away, gayunman nabuhay ang kapatid ng suspect at nang matiyempuhan naman ang biktima ay gumanti si “Bino”.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO4 Richard Lumbad, ng Manila Police District-homicide section na dakong alas 9 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa riles malapit sa Ma. Guazon St. Tondo, Maynila.

Papauwi na galing sa kasalan si Hernandez nang abangan ito ni “Bino” at saka pinagsasaksak at nilas­las ang leeg at mabilis na tumakas.

Show comments