Fetus lumutang sa inidoro

MANILA, Philippines - Isang fetus ang natagpuan sa isang inidoro ng super­market matapos na kusang lumabas ito mula sa butas bunga ng pag-apaw ng tubig dahil sa pagka­kabara nito sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ni Rommel Mayo, may-hawak ng kaso, ang fetus ay natuklasan sa may comfort room ng food court ng isang mall sa Fairview pasado alas 6 ng gabi.

Natuklasan ang fetus ni Laarnie Valero sa loob ng isang inidoro matapos na sumama sa pag-apaw ng tubig dulot ng pagkakabara nito. Agad na ipinabatid ni Valero ang insidente sa opisyales ng mall at tinanggal ang fetus sa bowl.

Sa pagsisiyasat, isang alyas Sheila Solano ang sina­sabing nag-abort sa nasabing fetus. Tinangka ng mga awtoridad na hanapin si Solano pero hindi na siya ma­tagpuan. Ang fetus ay dinala na sa San Rafael Funeral Homes para sa kaukulang disposisyon.

Show comments