Barangay tanod nilikida

MANILA, Philippines - Napatay ang 47-anyos na barangay tanod matapos ratratin ng dalawang di-kilalang kalalakihan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa FEU Hospital ma­tapos mapuruhan ng bala sa noo ang biktimang si Ruben­ Balaton ng Phase 5, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City PNP, naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.

Lumilitaw na kausap ng biktima si Joan Baudi nang lapitan at pagbabarilin.

Show comments