Misis tinodas ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Napatay ang 35-anyos na misis matapos barilin ng kanyang kinakasamang lalaki dahil sa problemang pana­nalapi sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Idineklarang patay sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa leeg ang biktimang si Gina Ramos ng Little Samar, Brgy.  San Jose sa nabanggit na lungsod­.

Samantala, tugis naman ng Navotas City PNP ang suspect na si Elmer Estrada, 34.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, naganap ang pama­maril dakong alas-10 ng gabi sa loob ng bahay nang magka-live-in kung saan nagkainitan dahil sa  kakulangan ng panggastos.

Dito na nagalit ang suspek hanggang sa kumuha ito ng baril at pinutukan ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect habang naisugod naman sa ospital ang biktima subalit hindi na nakarating ng buhay.

Show comments