Dalaga na may sakit sa pag-iisip, natagpuang patay

MANILA, Philippines – Palaisipan sa Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang dalaga na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip nang matagpuang naaagnas kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rosario del Rosario, ng Vicente del Fiero St., Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Ayon kay Mark Adrian, pamangkin ng biktima, huli itong nakitang buhay noong Biyernes (March 23) dakong alas-10:30 ng umaga nang dalhan niya ng pagkain sa loob ng kanyang kuwarto.

Nagkalat sa loob ng kuwarto nito ang dugo sa sahig at naka-duster ito at walang saplot pang-ibaba.

Ayon naman sa isang tiyuhin ng biktima, nasa pangangalaga nila si Rosario simula nang mamatay ang mga magulang nito.

Inaalam pa kung ano ang posibleng sanhi ng kamatayan nito. Ang katawan ng biktima ay nasa pangangalaga ng Cruz Fune­ral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments