MANILA, Philippines – Isang fetus na hindi pa batid kung babae o lalaki ang natagpuang nilalapa ng asong gala sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.
Wala na ang ulo at ibabang bahagi ng katawan ng fetus na tinatayang nasa 5-6 na buwan at isinilid sa isang plastic bag saka itinapon sa Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod.
Isang nagngangalang Carmen Baker na residente sa lugar ang unang nakakita sa fetus at ipinagbigay-alam sa pulisya.
Ayon sa ulat, nakasilid sa sando plastic bag na kulay orange ang fetus nang makita ganap na alas-7:00 ng umaga.