Pinoy na contact ng African Drug Syndicate, timbog
MANILA, Philippines - Matapos maaresto ang dalawang Ghanaian national na miyembro ng African Drug Syndicate, natimbog na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y kontak nilang Pinoy para sa pagta-transport ng iligal na droga sa bansa, iniulat kahapon.
Kinilala ang suspect na si Nabral Abdulah Mansul, 25, tubong Zamboanga City, na siya umanong dapat na tatanggap ng shabu package mula sa Ghanaian-couriers.
Si Mansul ay naaresto sa isang follow-up operation na ginawa sa isang hotel sa Mandaluyong City ganap alas-4:30 ng hapon.
Sa pagkakaaresto sa mga foreign drug couriers at kanilang conspirators sa bansa, naniniwala ang PDEA na ang naturang mga ADS members ay nakapag-establish ng international networks ng kanilang mga miyembro na may kanya-kanyang tungkulin sa tatlong level ng herarkiya.
- Latest
- Trending