^

Metro

2 rapist/killer ng 7-anyos, todas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang sus­pect na nang-rape at pumas­lang sa isang 7-anyos na paslit sa Maynila kamakailan makaraang mang-agaw ng baril ng isang pulis sa loob mismo ng presinto kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga ito na sina Roderick “Mulong” Solive­res, 28, ng Paco, Maynila at Cecilio Bacolo alyas “Jun-Jun”, 19, ng Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Isinugod pa ang dalawa sa ospital kung saan idineklarang dead-on-arrival si Bacolo at hindi na rin nagtagal ay idineklarang patay si Soliveres.

Ayon kay MPD-Homicide chief, P/Senior Insp. Joey de Ocampo, dakong alas-10:00 ng gabi nang utusan ang dalawa na itapon ang ihi ng mga bilanggo sa banyo sa tabi ng mini kitchen, gayunman pagdaan ng dalawa kay PO1 Ramir Dimagiba ay sinunggaban ni Soliveres ang baril hanggang sa magkaagawan.

Habang nagpapambuno ay biglang pumutok ang baril at tumama sa suspect na si Bacolo.

Agad namang umalalay ang isang pulis na si PO3 Rodel Benitez na nang makitang sa kanya na itinutok ni Soliveres ang naagaw na baril ay inunahan na niya ito at tinamaan sa ulo.

Una nang nadakip ang dalawa sa isang follow-up ope­ration noong gabi ng Marso 9 nang iharap kay Manila Mayor Alfredo Lim at umamin na sila ang gumahasa at pumatay sa paslit na si Ernieca “Nica” Abando, 7, estudyante ng F. Ma. Guerrero Elementary School, at residente ng Fabie St., Paco, noong nakalipas na Marso 9.

Magugunita na natagpuan ang bangkay ni Nica sa isang kuwarto sa Sta. Mesa na nakaluwa ang mga mata, walang saplot sa ibaba, dumudugo ang maselang bahagi ng katawan, may nakabusal na damit sa bibig at binigti pa ng mga suspect.

vuukle comment

BACOLO

CECILIO BACOLO

FABIE ST.

GUERRERO ELEMENTARY SCHOOL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MARSO

MAYNILA

NICA

SOLIVERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with