Computer Literacy, English Proficiency inilunsad sa barangay

MANILA, Philippines - Pormal na inilunsad noong Pebrero 13 sa isang barangay sa Maynila ang Brgy. Computer Literacy at English Proficiency para sa mga residente na nagnanais na matuto.

Ayon kay Brgy. Chairman Thelma Lim ng Brgy. 310 Zone 31, layon ng kanilang programa ni 3rd District Congresswoman Naida Angping na maturuan ang mga ka­bataan ga­yudin ang mga out of school youth ng paggamit ng computer at mahasa sa pagsasalita ng English.

Nabatid kay Lim na umaabot sa 30 computer ang nasa barangay na magagamit ng mga nag-enrol. Sinabi ni Lim na ang mga makakakumpleto ng oras ay bi­bigyan ng certi­ficate of completion bukod pa sa pagkakataon na ma­kapag­trabaho sa mga call cen­ters sa bansa. 

Aniya, sa sistemang ito mababawasan ang un­employment rate ng lungsod ng Maynila.

Show comments