MANILA, Philippines - Dumaong na sa Maynila ang barkong Logos Hope kung saan pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbubukas nito sa publiko para magbenta ng libro.
Nabatid na ito ang kauna-unahang pagdaong sa Maynila ng Logos Hope na umiikot sa buong mundo.
Bubuksan sa publiko ang Logos Hope hanggang Marso 13, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi, habang ala-1 ng tanghali hanggang alas-9:30 ng gabi tuwing Linggo at sarado naman tuwing Lunes.
Kasama ni Lim sina Secretary Sonny Coloma, Department heads, Ship Captain na si Pat Tracy, Gian Waiser, at ang may 400 crew.
Nalaman kay Lenie Coetzer, 56, taga South Africa, huling nanggaling ang barko sa Cebu at susunod na pupunta sa Subic bay. Matatandaang anim na ulit namang dumating sa bansa ang MV Doulos simula noong 1997.