^

Metro

Mga negosyante sa Mindanao kikilos na sa Tampakan project

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Makikialam na ang sektor ng mga negosyante para mailigtas ang mga benepisyong matatamo sa panukalang Tampakan project.

“The Mindanao business sector has decided to step in because we do not want the benefits of this project put to waste. The proposed Tampakan project can contribute a solid 1 percent to the GDP and it is of Mindanao’s interest that we all help protect this investment,” ayon kay Vicente Lao, chairman ng Mindanao Business Council (MBC).

Aminado si Lao na napakaraming mga batas at regulasyon na ipinapasa at ipinatutupad na hindi “friendly” o hindi pabor sa mga negosyante sa Min­danao lalo sa industriya ng pagmimina.

Kamakailan, nagpadala ng mensahe ang MBC kay Environment Secretary Ramon Paje na nagpakita ng pagkadismaya nila sa desisyon ng kalihim na huwag pagkalooban ang Tampakan project ng environmental compliance certificate (ECC).

Ani Lao, kinikilala ng business sector sa Mindanao ang industriya ng pagmimina bilang “susing sektor sa pag-unlad” para sa Mindanao Development Agenda.

AMINADO

ANI LAO

ENVIRONMENT SECRETARY RAMON PAJE

KAMAKAILAN

MAKIKIALAM

MINDANAO

MINDANAO BUSINESS COUNCIL

MINDANAO DEVELOPMENT AGENDA

TAMPAKAN

VICENTE LAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with