Doktor na nameke ng $3-M health care program, timbog

MANILA, Philippines - Isang Pinoy doctor na ina­kusahan ng pamemeke ng health program sa Esta­dos Unidos na nagkaka­ halaga ng $3 milyon ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investi­gation (NBI) sa Quezon City.

Kinilala ni NBI Foreign Liaison Division (NBI-FLD) chief Lawyer Claro de Castro Jr. ang Filipino fugitive sa US na si Eric Uy Chan, alyas Eric Uy Garchitorena, dating naninirahan sa N T. Mapua St. Manila.

Si Chan ay inakusahan­ ng US government ng pa­me­­meke, panloloko, pagna­na­kaw upang makakuha o makakolekta ng bayad mula sa California Medical Program na umaabot sa $3 mil­yon.

Batay sa report ni De Castro si Chan ay inaresto­ ng mga operatiba ng NBI-FLD sa loob ng Camp Agui­naldo noong Sabado.

Nabatid na matapos na dumating sa bansa, naging medical corps reservist ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) si Chan sa ilalim ng pangalang Lt. Col. Eric Garchitorena.

Lumilitaw din sa re­cords­­ na si Chan, na may-ari ng Green Cross Medical Clinic­ sa Carsons, California, ka­ sama ang kanyang mga co-conspirators na sina Dia­­dema Digma at Chan Annilie Arcangel Ferrer­ ay sangkot umano sa iba’t ibang panloloko at pame­meke sa California’s Medi-cal program gamit ang mga pekeng dokumento at claims.

Inupahan umano ni Chan at mga kasamahan nito ang licensed physician na si Dr. Hyun Hong Kim at ginamit ang provider number nito upang makakuha ng halagang $516,656 mula sa Medical.

Agad ding pinade-activate ni Kim ang kanyang provider number ma­tapos na madiskubreng nagamit ito sa panloloko. Nakakuha din si Chan ng $1,695,252.10 para sa Evergreen Medical Clinic gamit ang provider number ni Dr. Saifuddin Saifee at $6,000 naman gamit ang provider number ni Dr. Herman De Bardlabon.

Show comments