Binata nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi na nakayanang problema, nagpaka­ma­tay sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang 33-anyos­ na binata kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kinilala ang nasawi na si Gary Gatchalian, nakatira sa De Castro St., Brgy. Malinta, ng nabanggit na siyudad.

Sa report ng Valenzuela City Police, dakong alas-10:00 ng gabi, nang dumalaw ang kaibigan ng biktima na hindi na binanggit ang pangalan nito sa bahay nito na dito nga tumambad sa kanya ang nakabigting biktima.

Mabilis na ipinagbigay alam ng kaibigan ng biktima sa mga pulis ang insidente at napag-alaman na may problemang dinadala ang biktima, subalit nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis upang malaman kung may foul play sa insidente.

Show comments