Bagong laya balik-selda

MANILA, Philippines - Hindi pa man lubusang nalalasap ang kalayaan ay balik-selda na naman ang isang lalaki matapos na mahulihan ng shabu na tinangka nitong ibigay sa naiwang kakosa sa loob ng piitan sa Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Elmer Cereno, hepe ng EPD-District Special Operation Unit (EPD-DSOU) na si Michael Camacho, 34, may dalawang linggo pa lamang nakakalaya dahil sa kasong drug pushing ay muli na naman itong balik kalaboso dahil din sa ka­­pa­rehas na kaso.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang dalawin ni Camacho ang dati nitong kakosa na si Roy sa EPD Annex Bldg. Meralco Ave., Pasig City.

Papunta ng selda si Camacho nang kapkapan ni PO1 Rey Cabarles, duty jailer­ ng EPD at doon nakita at nakuha ang dala nitong palara na may lamang shabu.

Dahil doon kaya mu­ling inaresto ang suspek at kasalukuyang pinipigilan sa himpilan ng pulisya at muling­ nahaharap sa kaukulang demanda.

Show comments