Biktima ng salvage isinilid sa sako

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na isinilid sa sako ng semento na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa madilim na bahagi ng C-6 Road sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng mga nagrorondang barangay tanod ang duguang sako ng semento na kinasisidlan ng bangkay sa madilim na bahagi­ ng naturang lansangan, malapit sa pumping station sa Brgy. Wawa.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Razel Gaspar ng Criminal Investigation Unit ng Taguig police, may tama ng dalawang malalim na saksak sa tagiliran ang biktima na tinatayang nasa pagitan lamang ng 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng itim na maong pants at malinis o wala isa mang tattoo sa katawan. Naniniwala ang pulisya na sa ibang lugar pinaslang ang biktima saka ibiniyahe ang bangkay at itinapon sa gilid ng C-6 Road.

Show comments