MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Manila M
ayor Alfredo S. Lim ang selebrasyon ng Chinese New Year na nagsimula noong Sabado sa pamamagitan ng ‘Grand Parade’.Kasama ng alkalde ang mga opisyal ng Manila City Hall at mga miyembro ng iba’t ibang local-based Chinese organizations sa panonood ng makukulay na lion at dragon dance na gagawin sa mga kalsada sa Chinatown noong Sabado.
Ayon kay Lim, isa lamang ang kanyang panawagan sa mga Filipino at Chinese at ito ay ang pagkakaisa iwasan ang awayan at pag-iisip ng hindi maganda sa kapwa.
‘Kung Hei Fat Choi!’, ayon kay Lim.
Magkakaroon naman ng gift-giving activities sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila ngayong umaga, habang sa hapon ay magbibigay naman ng kanyang mensahe sa Plaza Lorenzo Ruiz ang alkalde sa mga miyembro ng Chinese-Filipino community na susundan naman ng Grand parade sa Chinatown.