Pagbabalik ni Ivler sa kulungan, inutos ng korte

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Quezon City court kahapon na maibalik na sa kanyang selda si road rage suspect Jason Ivler sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Si Ivler ay tumagal ng may tatlong linggo sa Quirino Me­morial Medical Center matapos muling isailalim ito sa operasyon sa colostomy.

Inatasan din ni QC RTC Presiding Judge Luisito Cortez na bayaran ni Ivler ang balance sa pagpapa- ospital na umaabot sa P525,076 sa QMMC.

Inutos din ni Cortez sa QC clerk of court na gumawa ng tseke na P500,000 bilang deposit ni Ivler na dapat bayaran sa naturang ospital.

Nalaman ng korte na maayos na ang kondisyon ni Ivler kaya’t agad na inutos ang pagbabalik kulungan nito.  

Show comments