MANILA, Philippines – Umabot sa 68 katao ang nasawi noong taong 2011 sanhi ng sakit na dengue.
Ayon kay Dr. Rolando Cruz, head ng Epidemiology and Surveillance Unit ng Quezon City Hall, ang naturang bilang ng nasawi ay mula sa 8,431 katao na nadale ng dengue sa lungsod noong nakaraang taon.
Anya ang Barangay Bagbag ang nakapagtala ng may pinakamalaking bilang ng nagka-dengue na may 418 cases, sumunod ang Brgy. San Bartolome na may 409 kaso, sinunduan ng Brgy. Commonwealth na may 347 kaso gayundin ang Barangay Batasan Hills na may 333 kaso at Brgy. Gulod na may 312 kaso.
Sa Barangay Batasan Hills naman nagmula ang pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa dengue.
Sinabi ni Cruz na karamihan sa mga naging biktima ng dengue ay mula isang taong gulang hanggang sampung taong gulang.