^

Metro

3 suspek sa pagpatay sa ex-kagawad, tiklo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang tatlo sa apat na kalalakihan ka­bilang ang isang ba­rangay kagawad matapos madakma sa kasong pagpatay sa isang 46-anyos na ex-barangay kagawad sa Malate, Maynila.

Naaresto sa pangu­nguna ni P/Senior Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section ang mga suspect na sina Joel Bertuldes, alyas Tata, ex-brgy. kagawad, ng #1918 San  Antonio Street, Malate, Maynila; David Anthony­ Vasquez, 32, waiter­, ng #922 J. Nakpil St., Malate, Maynila; at si Rudolph­ Aguirre, 34, Ka­gawad sa Barangay 692, Zone 75, ng #1916-A San Antonio St., Malate, Maynila.

Samantala, tinutugis naman­ ang isa pang suspect na si Abon Nobleza, 36, ng  #1916-A San An­tonio St. Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jupiter Tajonera, naganap ang krimen dakong  alas-2 ng madaling-araw sa San Antonio Street nang tangkain ng biktimang si Joey Campillo na ma­­magitan sa away nina Aguirre at isang Rocky John Vergara.

Subalit bigla itong si­nuntok ni Nobleza at nang bumagsak ay pinagtu­lungan pang gulpihin ng iba pang mga suspect.

Nang mawalan ng malay­, isinugod ang biktima sa Philippine Gene­ral Hospital (PGH), pero namatay din dakong alas-10 ng gabi.

Positibo namang itinuro ni Vergara ang mga suspek na nakapatay sa biktima.

vuukle comment

A SAN AN

A SAN ANTONIO ST.

ABON NOBLEZA

AGUIRRE

ANTONIO STREET

DAVID ANTHONY

HOMICIDE SECTION

JOEL BERTULDES

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with