^

Metro

Away ni kuya tinapos ng 2 utol: 1 patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Namatay habang iniwan pang nakabaon ang kutsilyo sa kaliwang dibdib nang isugod ang isang 33-anyos sa pagamutan ng kanilang mga kapatid matapos makaaway ang kapitbahay, sa Parola, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center si Gary Pontanares, ng Parola, Tondo dahil sa tinamong dalawang saksak sa braso at sa dibdib, habang ang 34-anyos na kapatid nito na si Anthony Pontanares ay nagtamo naman­ ng saksak sa leeg at ginagamot pa sa na­sabing ospital.

Tinutugis na ang suspect na kinilalang si Leo­nardo Postrano, 47, kapitbahay ng magkapatid.

Sa ulat ni PO2 Jose Gumilan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Letty & Felly Beauty Parlor sa Gate 2 ng Parola Cmpd.

Sa imbestigasyon, naki­kipagtalo umano ang nakata­tanda nilang kapatid na si Alvin Pontanares sa suspect.

Tinangkang tulungan ni Gary ang kuya kung saan sinuntok ang suspect kaya ginantihan siya nito ng saksak. Hindi nabunot ang bumaong patalim sa katawan ni Gary kaya umuwi ng bahay ang suspect at muling kumuha ng patalim na itinarak naman sa leeg ni Anthony na nakialam na rin sa away.

Kalat na ang dugo sa paligid nang lumabas ang isa pang kapatid na si Angelo­ Pontanares na siyang nagdala sa paga­mutan sa mga kapatid. 

vuukle comment

ALVIN PONTANARES

ANTHONY PONTANARES

FELLY BEAUTY PARLOR

GARY PONTANARES

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER

JOSE GUMILAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA

PAROLA CMPD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with