P21.5-M kemikal sa paggawa ng droga winasak ng PDEA
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P21.5 milyong halaga ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pasilidad nito sa Valenzuela City kahapon.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nasabing kemikal o destroyed controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na pawang mga sangkap sa paggawa ng iligal na droga ay kanilang nasamsam sa iba’t ibang anti drug operation sa bansa.
Sinasabing may kabuuang 23,209.40 litro ng liquid chemicals ang kanilang winasak sa pamamagitan ng treatment method.
Ang aktibidad ay ginawa bilang pagsunod sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at ang Dangerous Drugs Board Regulation No.1 Series of 2002 na namamahala sa pag-iingat at disposisyon ng mga nasamsam na mapanganib na gamot, kemikal at kagamitan ng laboratoryo.
Dagdag pa nito, ngayong taon, apat na destruction ceremonies ang nagawa ng PDEA, dalawa para sa dangerous drugs (July 22 and November 15, 2011 ) at dalawa para sa CPECs (January 14 and December 15, 2011). Ito ay makabuuang P591million, ayon pa sa opisyal.
- Latest
- Trending