Fetus na naman, kuha sa basura

MANILA, Philippines - Isa na namang fetus ang natagpuan ng isang ma­ngangalakal sa balumbon ng mga basura matapos itapon sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, ang fetus na tinatayang nasa pagitan ng pito hanggang walong buwang gulang ay natagpuan sa may kahabaan ng P. dela Cruz St. sa Brgy. San Bartolome­, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Sinasabing ang fetus ay nakasilid sa isang plastic bag nang matagpuan ng mangangalakal na si Jaime Alombro sa bulto ng basura.

Agad na ipinabatid ni Alombro ang natagpuan sa mga opisyales ng barangay hanggang sa pulisya.

Show comments