Kawani ng school dedo sa kuryente

MANILA, Philippines - Tuluyang bumigay ang katawan ng isang 27-anyos na lalaki matapos makur­yente sa nahawakang bakal sa pampublikong paaralan sa Paco, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Namatay sa Sta. Ana Hospital  ang biktimang si Felomino Diomeda, stay-in employee sa Manuel Roxas High School sa Pres. Quirino Avenue sa nasabing lugar.

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang in­sidente habang may kinukumpuni ang biktima sa eskwelahan.

Lumilitaw na aksi­den­teng nahawakan ng biktima ang bakal na may nakakabit na linya ng kur­yente habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Nangisay ang biktima at nakahingi pa ng saklolo sa kasamahan na nagsugod sa kanya sa ospital subalit hindi­ rin nagtagal ay namatay ito.

Show comments