Klase sa pre-school hanggang HS sa MM, sinuspinde

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Depart­ment of Education (Dep-Ed) ang klase mula sa pre-school hanggang high school level sa mga pampubliko at pri­badong paaralan sa Metro Manila kahapon dahil na rin sa malakas at walang tigil na pag-ulan.

Batay sa advisory ng DepEd-National Capital Region (NCR), epektibo ang suspensiyon ng klase simula alas-12:00 ng tanghali, alinsunod na rin sa forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pang sasama ang panahon pagsapit ng hapon ng Biyernes.

Ayon kay DepEd Metro Manila director Elena Ruiz, ayaw nilang ipagwalang-bahala ang kaligtasan ng mga mag-aaral, kaya’t nagpasya silang suspendihin na ang klase.

Pinayagan na rin ng DepEd NCR ang mga magulang na sunduin ang kanilang mga anak kahit pa man wala pang alas-12 ng tanghali.

Show comments