GF nakipag-break, tinodas ng nobyo

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 20-anyos na lalaki ang kan­­yang kasintahan nang makipag-break ang huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jenifer Jerodias, 18, ng Galino St., 11th Avenue, Caloocan City bunsod ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Isang malawakang man­hunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect na si Jayson Bonza, nakatira sa na­banggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division, Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Lumilitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspect nang ipasya ng una na makipag­hiwalay na sa huli.

Hindi umano matanggap ng suspect ang pakikipag-break ng biktima kung kaya’t agad na nitong kumuha ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Show comments