MANILA, Philippines - Tinatayang nasa pito hanggang walong buwan ang fetus na nawalis ng dalawang street sweeper na nakalagay sa isang plastic bag kahapon ng umaga sa Delpan, Binondo, Maynila. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ng makita ang fetus na itinapon sa island ng kalsada. Nagwawalis umano sina Eduardo Roberto, ng MMDA at Jimmy Rosales, ng CGSO ng Manila City Hall sa may Delpan St. Binondo, Maynila ng mawalis ang isang plastic bag. Nagulat ang dalawa sa bigat ng basura kung kaya’t agad na tiningnan ang laman ng plastic bag. Laking gulat nila nang makita ang fetus na agad na inireport sa pulisya.